Monday, May 09, 2005

Ang Tagubilin

(Tagubilin ni Pedro Gomez sa kaniyang mga kapatid nang mahina na at malapit na sa kabilang buhay, at gayun din sa kaniyang mga pamangkin na mga ulila.)

Mga kapatid,lalo na ikaw Tomas, David, Sario, Dalicio, Leonides, Pedro at Felicisima tinawag ko kayong lahat, sapagkat nararamdaman ko sa aking katawan na ako ay nanghihina na,ibig ko ay habilinan kayo nang aking kaunting pangaral, na nais ko ay itanim sa inyong mga puso at patausin ninyo hanggang sa mga buto upang huwag ninyong malimot magpakailanman.

Ang nais ko, ay sapagkat buhat nang tayo ay maulila kay TATA at kay INA, namuhay tayo nang tayo ay parang hindi naulila sa pamamagitan ng aming pangangasiwa ni Tomas na inyong panganay, na kami pa lamang ang may hustong isip nang panahong iyon, na kayo naman hangga't lumalaki ay gumaganda ang ating pagsasamahan, pagsusunuran at sa lahat ng kilusan sa lahat nang bagay, maging mahirap at kaginhawahan ay hindi tayo nagpapabayaan. Ang nais ko ang gawaing ito ay huwag ninyong babaguhin, sapagkat tayo ay isang kapuri-puri sa lahat ng angkan dito sa Baler. Kaya't ang ating mga anak ay pilitin nating turuan sa ganitong ayos ng samahan.

Alisin niyo sa inyong mga puso ang masamang budhi, huwag ninyong samantalahin ang inyong mga anak, pamangkin na agawan nang karapatan na sila ay wala pang malay at matuwid, alisin ninyo ang pag iimbot sa ating samahan sapagkat diyan manggagaling ang ika-sisira at pagbagsak nang samahan.

Kaya't mag iingat kayo, huwag kayong pa aakay sa ilan ninyong mga kaibigan o iba pa mang mga tao upang sirain ang magandang ayos nang samahan, kundi bagkus kayo ang umakay sa kanila sa mga kabanalang aral at layunin sa ating mayabong at kasalukuyang ningning na pagsusuyuan.

Ito ay sinabi ko sapagkat hindi tayo maipagkakaila kangino man at ito ay hindi na tayo ang magpapatunay, kundi ang mga iba nang tao na nakababatid at nakakakilala sa atin.

Kaya't ito ay huwag ninyong dudungisan, ang ating pangalan na pinanggalingan ni TATA at ni INA, ay malinis ang puso at malinis ang budhi, ang gatas at dugo na ating inut-ut ay iisa lamang. Kaya't ang bawat tilamsik naman ng ating mga dugo at dugo pa ng ating dugo ay pilitin ninyong hubugin sa magandang aral at pakikisama.

PEDRO GOMEZ
November 9, 1948

6 comments:

Anonymous said...

This is a great message not only for Pedro Gomez clan but for all families of Baler!

Anonymous said...

AMEN sa mga sinabi ni Mang Pedro Gomez! Harinawa'y maging silbing tularan ng lahat ng magkakakamag-anak kahit nasaan pa man sila.

Anonymous said...

i find his words beautiful. sana ganyan pa rin tayo hanggang ngayon, pero hindi na eh.


kokopyahin at ipo-post ko ito sa blog ko.

thanks for sharing.

Anonymous said...

At tanu pwede iyan kay 'POGI'. Pag di ka nuun hinabul ng taga.

Anonymous said...

One of the comments is true, that it is not what Lolo had intended it to be. For some of our relatives yes but we the direct descendants of Pedro Gomez is trying and hope that we will continue what he had wished. Every year in our reunion this letter is always read and for the past 10 years we have our own family reunions beside my lolo's Gomez Clan family reunion and the whole overall Gomez reunion. There is always laughter and tears in our gatherings for they always remember their humble beginnings especially when they were poor during the war and they were in Dibalo with a "tuyo" to be divided into pieces. We are trying to have the reunions alive so we know who our relatives are. For sure, ours will continue because ever since I was small I can see the love, compassion and understanding among my uncles and aunts, Aladin (+), Ana Sto. Tomas, Kikoy (+), Curing Atienza, Nardo Gomez, Faving Dela Pena, Sonia Amatorio, Romeo and Mario. We the grandchildren have outr own officers and our family even have our own small cooperative and I am happy that his children and grandchildren are trying to better ourselves. Getting an education is the major part of it and I am sure, Lolo is proud of what his siblings turned out to be and still trying. We might not have the riches in the world but I know we have a loving family.

Anonymous said...

Maling pananaw sa buhay:
KALDERO NI NANAY KALDERO KU RIN.

Kadalasang pinag-aawayan ng magkakapatid ay ang pamanang ari-arian ng yumaong magulang. Kayong maliliit pa at malalakas, ang payu ku sa inyu ay mag 'pundar' kayu ng sarili ninyu at huwag na huwag aasahan ang ipapamana ng inyung mga magu-magulang.Masaklap mang isipin ang katotohanan, ang lahat ng mga nangyayari ay dahil sa kahirapan ng buhay nating mga Pilipino kung kaya at nanduunng lumalabas ang 'kasamaan' kapag nararanasan na ang pagka-gutom. Sa ngay-un ay isa-alang-alang ninyu na maipagmamalaki ninyu kahit kanino ang mabuhay ng 'hindi' uma-asa sa tulong ng inyong mga magulang. Mag aral kayu hangga at bata pa kayu at malalakas at huwag sayangin ang mga oras na lumilipas sa pamamagitan ng pag to-tong-it at majong. Mabilis ang pag lipas ng panahon. Wag na niyung intayin na sa bandang huli ay pagsisihan na 'matanda na rin kayu kung kaya at wala na rin kayung magagawa para sa sarili ninyu at mga anak-anak. IYANG KASAMAAN NG UGALI NA LUMALABAS SA BANDANG HULI AY DAHIL SA LABIS NA UMA-ASA SA MGA MAGULANG NUONG UNA. AT ITO, IDADAG-DAG KU SA INYO. 'Iyang pera o yaman na hindi ninyo pinag-hirapan ay madaling nawawala o madaling nagagastos' at iyang sariling sikap ay pinangangalagaan iyan dahil naramdaman ninyo ang hirap.