Here's another one for the weekend. It's a wallpaper so just click on the picture to open the large one. It's a view of Baler taken from the mountains of Dikaloyungan (ASCOT).
And here's the panoramic view. Click the image for the big one. Enjoy.
Saturday, April 02, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
13 comments:
May mga 'KALAW' pa kaya diyan sa lugar na iyan? Pati wild orchids mayruun pa kaya?
Akaw, ay wala ng Kalaw, at ang Waling-Waling na orchids ay extinct na sa atin.
Wala na rin mga ungguy. Nakalut na ata lahat ni Juri. Anu nga?
Matagal nang walang bulug sa atin. Huli kong nakita ang bulug sa may Reserva ay de pa laang ako nag-aaral. Nahuli daw iyun sa bunduk tabi ng Dipaculao. Mula nuun, sa Manila Zoo na laang ako nakakakita ng bulug.
May mga bulug pa rin kaya lang takut na sa tau at binabaril sila. May nakita akung ibun dun sa pinagpicturan ku nito. Nasa tabing kalsada lang parang batu na nakatumpuk. Dalawang ub-bun. yung nanay na parang lawin paikut ikut sa akin. Piniktyuran ku lang saka ku iniwanan. Ilalagay ku dito yung picture.
naligaw na ub-bun...
May nabasa akong article na sinulat ng ornithologist. Sabi dito pag may nakita raw na ub-bun maski saan, huwag dadamputin. Kung kailangang ilagay sa ligtas na daan dahil baka masagasaan o mayakyakan, huwag damputin sa halip ay gumamit ng patpat o maski anong kahoy para idasug ito sa mabuting lugar. Pag dinamput daw, malamang iwan na ng nanay ang ub-bun dahil para bagang may naamuy ito galing sa dumamput.
Ay tutoo iyun. Ilang beses ku nang naranasan iyan nuung elementary pa laang kami. Sa kalikutan namin ay ugali naming tingnan o kunin iyung pugad ng ibon. Hindi na nga binabalikan ng ina iyung inakay o di kaya ay itlog.
-
Bakit naman nila binabaril ang mga bulug? Anong gagaw-in nila dito, kakainin? Atesss ay nakaka-adwa naman na iyon! Saka bakit sila namamaril? Wala bagang batas na nagbabawal nito? Saka sino ang namamaril? Ibig bagang sabihin ay iyong mga nasa gov't na may karapatang maghawak ng baril? Pagkaalam ko ta ay tuloy sa bilibid at malamang firing squad ang end point pag nahulihan na may baril pag hindi member ng AFP. Baka matagal na iyong patakaran, noon pang martial law. Paano baga ngayon ang patakaran sa mga baril?
Arehe..he..tinola o di kaya sinampalukang bulog. Ngiiiii!!!!tapus makikita mu iyung ulo na nakamulagat duun sa kaldero o di kaya iyung mga kamay na parang kamay ng bata. Diyablu laang iyan. Canibalism na iyan mga bok. Wala na baga kayung ibang ma-kain? Duun sa mga matatakaw ng bulog, tubuan sana kayu ng balahibo at buntot na gaya ng bulog.
Baril? pagkaka-alam ku sa ngay-un basta you have enough reasons to sustain your claim that your life is at risk then you can apply for a licenced gun. Daming may baril diyan.
Bulog (ung-goy). It reminds me of the old BB forum. It says there, 'PATI NGA UNG-GOY NA KAMUKHA NINYO, KINAIN NA RIN NINYO'. Ha!ha!ha! De laang aku mukhang bulug atesss! Ay sinu baga ang mukhang tsong-go assett!
Akaw ang pagkakaalam ku pag CANNIBALISM iyun ang pagkain ng sarili mung uri. Halimbawa tau kumain ng kapwa tau. O kaya ungguy kumain ng kapwa unnguy. Peru pag tau ang kumain ng ungguy, hide iyun cannibalism. Maliban lang kung ang tingin mu sa tau ay ungguy din. He he he. Para lang po ma correct yung sabi nung isang anonymous.
Pwede mo nga rin sigurung masabing cannibalism na iyun dahil ....akaw ay anu naman na ang magiging tingin mu sa taung nakain ng bulug. Di para na rin siyang bulug sa tingin ku...kaya canniblism na rin iyun!
SAMPUNG MGA DALIRI SA KAMAY AT PAA
DALAWANG MATA, DALAWANG TEYNGA, ILUNG NA DAPA-DAPA. He!he!he! If it's not Darwinian theory, then it's still undeniably your closest relative. Mankind theory of evolution: 'BULOG', UNG-GOY, TSONG-GO, and----TAO. He!he! he! Sabi ng wag kakain ng tsong-go ay akaw ang kukulit. Gwaaaakkkkk!
Post a Comment