Wednesday, January 05, 2005

Logging didn’t cause disaster in Aurora town - Punongbayan

What's your say on this?

from manila bulletin online: Logging didn’t cause disaster in Aurora town - Punongbayan : Former Phivolcs chief Raymundo Punongbayan said that the recent "flash floods" which devastated barangay Paltic, the most populated village of Dingalan town which lies at the foot of the Sierra Madre, should not be blamed on logging activities.

Punongbayan, who conducted a study on the natural features of the area where an avalanche took place, said that a portion of the mountain range was deeply eroded, indicating that a huge volume of water caused the "flash floods" that set off massive landslides.

Most of the trees that rolled from the mountain had the root systems intact, indicating the uprooting of the trees from loose, water-saturated soil, said Punongbayan, a veteran geologist.

***
Personally, i think it would be very hard to explain to the people of Dingalan especially those whose houses were destroyed and family members were killed by clear-cut (chainsawed) logs.

11 comments:

Anonymous said...

yeah right! tell that to the dead people. i am not a soil expert, but don't make me believe mr. punong bayan that the soil is eroded.nagmumukha ka lang tuta kung patuloy mong ipipilit yang findings mo. have you been to dingalan and saw tons of logs there? one thing i can say politics sucks!!

Joseph Querijero said...

Did he just contradicted himself? Didn't he know why a water saturated soil erodes? Because there are parts of the mountains that are exposed, and no more trees to hold the soil together. As a result, the mountain breaks down on these weakened parts. Although the flash flood is undeniably has nothing to do with logging (mother nature), the excessive amount of forest debris and mud points to logging. Without the big trees to shield the soil from a direct hit by rain, the soil can easily erode. So the patches of lands lying below the cleared area that still have vegetation will soak more water and will become to heavy. If the cleared area starts to erode, the vagetated area will eventually breaks away because it's heavier and cause the massive land slide.

I still believe the US assestment on what happened. They have a better mapping technology that shows the massive logging in our areas. In fact, one of the reports I read said that Aurora has no longer any virgin forest. CSPAN had a panel discussion about world resources, and Philippines was mentioned because of the disaster. The panelist said it has something to do with bad management of land.

Anonymous said...

u? ari! wala naman na talagang virgin forest sa aurora, sa tagal baga naman ni-logging ng mga naunang pulitiko ay. magtanim man tayu ng sangkaterbang punu ngay-un at hay-an natin silang mabuhay hanggang 50 anyos pag talagang babaha ay baha talaga di baga?

ang kailangan siguru sa aurora ay floodway at magandang programa sa mga dinadaanan ng tubig (kanal, atbp.) katulad na laang nuung nakaraang pagbaha dahil nga sa mga bagong istrakturang itinayu ay naharangan na yung natural na daanan ng tubig.

siguru naman ay de hanggang duun na lamang yung baha. mabuti na yung nakahanda at siguradong safe.

Anonymous said...

Ako po si Edelio P. de los Santos, lumaki sa San Isidro, San Luis at sa Sabang, Baler. Editor-in-Chief ako ng Balikas, isang lingguhang community newspaper sa ipinamamahagi sa CALABARZON. Ang website nito ay sa http://www.bwf.org/balikas

Puwede ba naming magamit sa aming pahayagan ang ilang mga larawan at ikwento na rin ang mga pangyayari sa Aurora, batay sa nakalagay sa inyong website?

Ibabahagi ko na rin ang isa kong sinulat sa aking kolum sa aming pahayagan nitong nakaraang taon:

Kwentong TV at baha sa Aurora
Mula sa kolum ni Edelio P. de los Santos, "Barakong Kape" sa pahayagang Balikas

Malas naman, kung kailan magpa-Pasko’y bumigay ang aming TV na nabili sa mga surplus sa Pier ilang taon na ang nakakaraan. Mahal ang pa-kumpuni, may nasira kasing parte, kaya’t tiis muna ang buong pamilya na hindi makapanood ng Mulawin at ‘di malaman kung sino na ang na-tsugi sa Starstruck.

Pero asahan mo nang ang mga bata, hahanap at hahanap ng paraan para malibang. Kaya naman ang Grade 1 na si Emil, pati mga aklat na pang-Grade 3 ay binubuklat na, habang ang Grade 3 at "apprentice journalist" na si Erica, ‘di ko malaman kung ang inaatupag ay pagbubuod ng Noli Me Tangere (komiks version), pagsusulat ng mga "hebigat" niyang tula, o kanyang mga maikling kwento na lulumain ang mga maromansang nobela (Hoy, Seiko Films, kailangan n’yo ng writer?).

Naalala ko, noong ka-edad nila ako’y wala rin kaming TV at nagkakasya na lamang sa pakikipanood sa aming mga kapitbahay sa San Isidro, San Luis, Aurora. Parehong guro ang mga magulang ko, kaya’t ibig sabihin, mahirap lang kami. Pero lumalaban naman, naaalala ko, nauso noon ang konsepto ng "sariling sikap" (na hindi pa bastos ang ibig sabihin), kaya’t kasama ako ng tatay ko noon sa paglalakbay ng siyam na kilometro patungo sa dalampasigan ng Sabang, Baler.

Doon ay nag-aabang kami ng mga bangkang pangisda, kumukuha ng isa o dalawang balde ng kanilang huli sa pamamagitan ng "consignment," tinitimbang ang mga isdang ito ng tig-iisang kilo bawa’t supot at naglalakbay pabalik sa San Isidro upang ilako ito sa aming mga ka-barangay. ‘Pag may labis, pang-ulam na rin namin. 'Saya!

Sa Barangay San Isidro, ang mga umaasensong pamilya ay hindi mga nakapag-abroad, kundi mga empleyado ng mga kumpanyang nagto-troso. Ang lansangan sa harap ng bahay namin ay paradahan ng mga naglalakihang trak, minsa’y may mga kargang troso, minsa’y wala.

Ang aming bubong ay preskong kugon, habang sila’y mainit na yero. Marami’y kongkreto ang bahay, kaya’t may karapatan kaming naka-kubo na istorbohin sila’t makituloy kami sa kanila tuwing malakas ang bagyo.

Mayroon ding "sawmill" sa aming barangay, malapit sa airport ng lalawigan, kung saan nangunguha ako ng mga balat ng troso at pira-pirasong kahoy na panggatong kapag naubos ko na ang mga palapa at uyo sa niyugan ng kapitbahay naming si Ka Ambo. Masaya naman ako’t kahit paano’y nakapaghatid ako ng aliw sa aking mga kanayon, na natatawa tuwing nakikita nila ang patpating bata na hirap na hirap sa pasaning bungkos ng kahoy o palapa ng niyog.

Isang madaling-araw ay nagkaroon ng insidente sa barangay na niratrat ng NPA ng bala ang detachment ng noo’y Philippine Constabulary, patay lahat ng sundalo sa loob. Sindak ang buong nayon, at ilang mga alagad ni San Isidro ang hindi nakapagsaka ng kanilang mga bukid sa pangambang masabat ng mga sundalo at mapagkamalang "nice people around." Hindi na rin ako nagtaka na tila naging musika sa aming pandinig at tila ipinaghehele kami tuwing gabi ng ugong ng sawmill, kaysa naman mga putok ng baril, ‘di ba?

Dumating ang ilang magkakasunod na bagyo na nagdulot ng pag-apaw ng Ilog Dikildit na katabi ng aming barangay. Sikat bigla ang San Isidro, halos kalahati ng aming barangay ay lumubog sa baha. Ang binahang bahagi ay ang Purok Tres, na tinatawag naming "Tondo," kung saan karamihan ng nakatira’y mahihirap na magsasaka. Ilang linggo ang inabot bago humupa ang tubig.

Sa kasagsagan ng pagbaha, minsa’y kinailangan kong tumawid papuntang Tondo. Nang nasa kalagitnaan na ako ng malalim na bahagi, saka naman ako pinanghinaan ng loob sa nakita kong pagragasa ng tubig. Ang umalalay sa akin ay kaklase kong pinagkakamalan naming bading. At buti ‘kamo, walang nanonood na tsikas naming kaklase. D’yahe kung nagkataong nakita nila ang karuwagan ko.

Kamakailan, daan-daan ang nasawi sa mga malalaking pagbaha at landslide sa mga lalawigan ng Quezon at Aurora. Bagama’t malayo sa mga pinaka-apektadong lugar, narinig ko sa isang ulat sa radyo mula sa Baler na lumubog muli sa baha ang San Isidro. Kung may nasawi man, tiyak na hindi kasing-grabe ng naganap sa Real (kung saan ayon sa mga kamag-anak ko ay nagmula ang aming angkan), Infanta, Gen. Nakar at Dingalan.

Dahil sa sira nga ang aming TV, hindi namin napanood sa bahay ang mga sinasabing kalunos-lunos na eksena sa mga bayang iyon. Halos dalawampung taon na mula nang ako ay bata pa lamang sa San Isidro na naiinggit sa mga anak ng logger na laging nakakapanood sa TV ng Airwolf at Knight Rider sa kanilang mga sariling tahanan. Sumagi rin sa isip ko noon na sana, logger din ang magulang ko.

Kayong mga maayos ang TV, ikwento n’yo naman kung ano ang naramdaman ninyo nang napanood ang mga eksena ng mga bayang binaha sa Aurora at Quezon. Sulat kayo sa edsa@pusod.org at bibigyan ko kayo ng puwang sa kolum ko. Payuhan n’yo na rin ako kung saan makakabili at magkano ang halaga ng Japan surplus na Sony RF unit.

Kidlat said...

Huy Edel: si Joseph ito (maaring i-email sa batangbaler@gmail.com)ang Tsip ng Batangbaler website. Akaw, gamitin mu lamang ang mga pictures at istorya dito hanggat gusto mo. Maigi nga at nang mas malayu ang marating. Lagyan mu lang ng credit kumbaga. Natutuwa kami at may isa palang kagaya mu at ng Balikas. Dati na-ispatan ku na itu sa internet at humanga aku. Sabi ku pag may panahun babasahin ku itu. Kaso hanggang ngayun de pa nagkakapanahun. Ay ilalagay ku na rin sa post ko ang istorya mu at malaya kang magpadala ng kung anung kwento sa batangbaler lalu na yung tungkol sa aurora saka sa Airwolf.... tan tan tan tantantantan tananan...

Anonymous said...

Si Punong Bayan talaga, ay ano. Gawin pa niya tayong mga utu-utu at tanga! Hangal talaga ang lintek niya!

Anonymous said...

I do not know to what extent the former Philvocs chief has studied.Baka naman ang tinignan lang nya ay ang parte ng kabundukang iyun ! !.Maaring tama siya na talagang malaki ang epekto nuong sunod sunud na ulan.Ngunit ang tanung kung nandun pa kaya ang mga puno ganon din kaya ka grabe ang disaster????

With the kind of politics we have,i am not surprised to see comments such as above na baka me nagkabayaran o napatahimik.

dragon

Anonymous said...

logging in aurora is exempted in GMA's log ban executive order to protect the interest of ANGARA's bussiness in a logging company,like IDC,green circle and other sawmill in dingalan.Please dont blame the small time loggers in aurora, BLAME IT ON THE LOGGING COMPANY!

Anonymous said...

Maraming maraming salamat kay Joseph mga kababayan at naihahayag natin ang ating mga damdamin sa pamamagitan ng Batang Baler.net. Sana'y manatili itong walang kinikilingan at panay katotohanan lamang ang lalabas dito. Ipamulat natin sa mga politikong matatakaw na bistado na natin sila. Huwag sana silang magkunwa-kunwarian at maghugas ng kanilang mga kasalanan.

Anonymous said...

akkaw ay d pa pla nyu alam kung bkit ngkaganyan ang nngyari s aurora, suriin u lhat n hepe ng opisina ay dayo. walang halos taga atin ksi bka makilala p iba. such is the nature of crab mentality.

Anonymous said...

akkaw ay d pa pla nyu alam kung bkit ngkaganyan ang nngyari s aurora, suriin u lhat n hepe ng opisina ay dayo. walang halos taga atin ksi bka makilala p iba. such is the nature of crab mentality.