Magandang araw po uli.
Isang madali uli at generator pa kami at malapit nang maubus ang krudo. Hindi masyadong malupit ang bagyong Yoyong pero todong paghahanda ang ginawa ng mga taga Baler. Kami rin ay sa kumbento sa simbahan nagpalipas ng gabi at baka nga magkatutuu ang mga kumakalat na text na magkakatidal wave. Di ako masyadong mapapaniwalain peru sabi ko nung isang linggo imposible namang bumaha ng magkasunud. Anu nga at magkasunud ngang bumaha. Kaya nagbakwet na rin kami at nangyayari na dito ang imposible. Sa Buhangin kami nakatira at naging ilog ang harap ng bahay namin nung dalawang baha. Kaya maigi nang mag-ingat. Marami kami sa Carmel, at sa simbahan. May mga lumikas din sa Munisipyo saka sa ASCOT sa Dikaloyungan. Malakas din si Yoyong pero di masyadong maulan kagaya nung dalawang bagyo. Mga sanga lang ng puno ang nagkalat sa daan kinabukasan. Walang baha.
Di po madaanan ang Baler-Bongabong Road. Ang Canili-Pantabangan ay passable din pero sa Brgy. Puduk may damage ang pundasyong ng tulay kaya light vehicles lang ang pwedeng dumaan kaya ang mga luluwas ay pupunta pa sa Maria para dun sumakay. Ang Villa Aurora daw po ay na wash out kasama yung tulay. Marami ang namatay pero di pa eksaktong mabilang. Kasama sa namatay si Engr. Suril na tinangay ng agos ng ilog nang bumagsak yung tulay na tinakbuhan nila. Tatlong linggo na po ditong walang kuryente at siguradong matatagalan pa bago magkakuryente.
Maaraw na po ngayun dito sa Baler. Ang Dingalan ay sobrang nasalanta. Mahigit isang daan ang patay. Marami po tayung kababayang nagagailangan ng tulong. Kung gusto po ninyong magbigay ay kontakin lamang ang mga nakalista sa ibabang post. Sila na po ang bahala sa pagdadala dito sa Baler ng kung anu mang maibibgay ninyo.
Sigi po.
Joseph Gonzales
batangbaler@gmail.com
+639215413720
Saturday, December 04, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
first of all I thank you Joseph for all your work.This site is very helpful for keeping us updated of things happening in our hometown. Mabuti at hindi masyado ang pinsala nang bagyong yoyong. Mabuti na ang laging handa ke malakas o mahina ang bagyo. Sa ngayon ang panahon ay nagbabago at unpredictable. Mabuti na lang at may cell phone pa that's how I keep in touch with Nanay & my brother. Sana naman maayos agad ang daan. Dapat magpamisa nang pasasalamat at hindi masyadong nagperwisyo si yoyong.
mayroon bang nakakarating na tulong galing sa gobyerno sa Baler? Hindi ko pa nakita na namention ang Baler kung nasusuplayan nang bigas,sardinas,tubig at mga damit. What's the condition there now after the flood and strong wind that went by. Thanks again.
thank you joseph for the updates. how can we send some money from nj.?
maraming salamat mr. joseph taga jan din kme at s buhangin kame nakatira.maraming-maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng website na ito kc nalalaman namin ang mga nangyayari jan.un nga lang naka2lungkot kc msyadong naapektuhan ung lugar natin at my namatay pang taga samen (ung sundalo).sana hwag ng maulit 2ng nangyari.MARAMING SALAMAT!!!
thanks for the update. but please don't post the news from the media here in manila. they really don't know what is happenning there and they just write everything without even confirming what really happened in baler and the nearby municipalities. so far, the only reliable documentary was from the correspondents last week. they interviewed the MIEMBANS of AMCO.
didn't you know that abs cbn said that they had given dingalan P12 million worth of relief goods? and on RPN Sen. Angara said that the relief goods they are distributing came from his pockets? there are lots of twisted stories that had been aired. JOSEPH PLEASE POST THE TRUE STORIES ONLY. WE TRUST YOU BECAUSE YOU EXPERIENCED THE TYPHOONS THAT VISITED THE PROVINCE. MAGING TOTOO NAMAN TAYO!
sir thanks for making this website... by this website nalalaman ko po kung ano na ang nangyari dyan sa atin sa baler... time everytime na nag ne2t ako itong website ng mga taga baler agad ang chinecheck ko... lalo ng bumagyo..atleast d ako masyadong nag wo2ry sa family ko dyan..thnks poh again..
Post a Comment