Wednesday, September 21, 2005
Martial Law
Here's a soundclip of Ferdinand Marcos declaring Martial Law.
Both picture and audioclip were taken from this ThinkQuest article titled The Philippines Under Martial Law.
Here's also an article by MLQ3
Proclamation 1081 and Martial Law. from countrystudies. Check this directory about the Philippines.
Martial Law in Retrospect. From bulatlat.com
Here's the Google search result page for "Martial Law Philippines"
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
10 comments:
sarap burahin ng mukha ni makoy sa picture. ano kaya at ihilera mu yung buradung mukha niyang inukit sa bunduk?
yung mga kabataang hindi nakaranas sa hirap ng martial, mabuting bashin uli yung mga articles na inilista ni kid sa itaas para kontrahin ninyu kung sinu man ang gustung magbalik na martial law sa darating na panahon.
HALA! ILIBING YAN SA LIBINGAN NG MGA BAYANI. HE!HE!HE!
Anu kaya ang Baler nuung martial law?
Maraming 'COSAC'nuun duun sa tibag.
pero mas maraming matatanda ang nagsasabi na mas ok pa nung panahon ni makoy kahit martial law ay
sinu pa ang nakaka alala nung lost command?
ay hala na kayu pag inilibing ninyu si makoy sa libingan ng mga bayani. maraming galit diyan na buhay pa hanggang ngay-un. baka talagang maghalu na ang balat sa tinalupan sa pilipinas pag ginawa ninyu iyan.
marami ring NPA dati sa aurora. lahat ng bus na nadaan sa bunduk may PC o COSAC na guardia, kasadu lagi ang armalite, nakaupu sa may estribu, yung upuan ng conductor. madalas dalawa pa ang PC. marami ring mga outposts ang PC sa kahabaan ng daan papuntang maynila. bawa't barangay yata may outpost ay.
may curfew, de laang mga teen-ager,lahat ng tau may curfew pwera sundalu.
bakit maraming NPA? maraming nasalvage na kamag-anak ng mga tau bagu sila naging NPA, maraming mahihirap na tau, maraming de kontento sa gobyerno, maraming pinahirapan sa iba't ibang paraan, walang freedom ang mga Pilipino.
magsaya kayung mga de nakaranas ng martial law.
bakit bihira ang nag-post at nag comment dito sa martial law? wag ninyung sabihing ang aurora ay nanagana nuung martial law? ngayon ang pagkakataon para ipaliwanag sa kabataan at susunod na henerasyon kung paanong ang martial law ay demonyo maski saan at kailan iproklama. huwag namang ganyan, imulat natin ang ating kababayan sa katotohanan. ano pa ang ginagawa ninyo, post na kayo ng mga martial law encounters......
martial law experience in manila...
pagkatapos iproklama ni makoy ang martial law, halos lahat ng members ng rotc ay di makali. akala namin kung saan-saan hahakutin ang mga kadete, marami akala sa mindanao na kung saan nagpapatayan nang husto ang mga tao, muslims vs christians.
ilang lingo kaming hinakot sa tondo, maraming oxo at sigue-sigue members para daw mag survey sa mga tao, alamin kung ano ang nasasaloob ng mga mamamayan. ang karaniwang kadete ay lapis at papel ang dala, ang mga officers at members ng model cos. mga tunay na armalite at maraming back up na sundalo sa ibang strategic locations, armado rin siyempre.
sabi, alamin ang nasasaloob ng mga taga tondo. ano sila nanloloko? ang dahilan talaga ng pagpunta namin doon ay manakot ng mga tao, mag zona, iparamdam sa mga tao na maski saan ay handa ang mga sundalo, maski sa tondo! sino baga naman ang magbibigay ng tunay na loobin kung ang surveyor ay naka uniforme ng sundalo (ROTC). aydi panay laang oo at ngiti ang sagot sa amin maski na iyung mga puru tattoo sa kataw-an.
isa laang sa sample ng pananakot at kabulaanan ng MARTIAL LAW.
bakit baga nila pinalitan ang pangalan ng MENDIOLA BRIDGE at ginawang Don Chino Roces? Ito ay isa sa pinakamahalagang lugar na nagpapaalala ng mga ginawa ng Pilipino para kalabanin ang martial law. anong ginawa ni Chino Roces sa Mendiola bridge? de naman siya nanguna o sumali man laang sa mga nangyari si Mendiola.
Post a Comment